-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Temporaryong naka-shutdown ang operasyon sa mga entertainment and recreation-related establishments bilang hakbang kaugnay sa banta ng nakamamatay na 2019 coronavirus disease (Covid-19).

Iniutos ni Mayor Ronnel Rivera ang pagpapasara sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 16 kasabay ng takot sa umaakyat na kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ayon dito, ang business permits sa mga resorts, recreational facilities, internet cafes, bowling lanes, online bingo, electronic games facilities, cockpits, cinemas, karaoke places, bars, arcade shops, at katulad na mga establishments ang suspendido muna.

“All these places will temporarily shut down their operation pending the (reactivation) of their business permits”, ayon kay Mayor Rivera.

Ang nabanggit closure order ang kabilang lang sa bagong direktiba na inisyu ni Mayor Rivera sa pamamagitan ng anim(6) na EOs, na epektibo simula kahapon kasabay ng travel restriction at curfew na ipinapatupad sa sa lungsod simula noong weekend.

Kasunod rin ito ng Proclamation No. 922 ni President Rodrigo Duterte nga nagdeklara ng public health emergency sa buong bansa.