-- Advertisements --

Nagtipon-tipon ang mga estudyante at mga aktibista sa pangunguna ng College Editors Guild of the Philippines kasama ang mga pamilya ng mga biktima at ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa Mendiola sa Maynila para gunitain ang ika-15 anibersaryo ng Maguindanao Massacre.

Sa isang joint statement, ipinahayag ng NUJP na ang patuloy na kawalan ng aksyon sa insidente ay nagpapatunay lamang aniya na mayroong mali sa sistema ng pagkuha ng hustisya sa bansa.

Binigyang diin din ng grupo ang halos ilang taong pagkakabinbin ng mga kaso ng pagkamatay at mga missing cases ng mga mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009.

Ito din aniya ay isang pinsala sa press freedom ng bansa kung saan malaking panganib umano ang kinakaharap ng mga mamamahayag na nais lamang aniya magtrabaho ng walang nararamdamang kahit anong banta sa kanilang seguridad at kanilang mga buhay.

Samantala, sa kanilang isinagawang kilos protesta ay ilang mga kamag-anak ng mga biktima ang nagsalita at nagtirik din ng kandila para sa 58 na mga broadkaster na siyang nasawi sa karumal-dumal na krimen.

Matatandaan namang nangyari ang massacre nuong kasagsagan ng paghahain ng certificate of candidacy ni noo’y Maguindanao vice mayor Esmael Mangudadatu para sa pagkagobernador at kalaban nitong si Andal Ampatuan Jr. na siya namang katunggali nito sa posisyon. ( BEA PANEZA)