VIGAN CITY – Wala pa umanong mga paaralan, unibersidad at kolehiyo ang tumangging tumanggap sa mga transferee at displaced students mula sa Mindanao, lalo na sa Marawi City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Commissioner Prospero De Vera III ng Comission on Higher Education (DepEd), kinumpirma nitong wala pa silang natatanggap na report hinggil sa pagtanggi ng mga paaralan sa mga nag-enroll na estudyante mula sa Marawi City .
Sinabi ni De Vera na pag-aaralan ng gobyerno kung ano pa ang mga tulong na maaaring maibigay sa mga estudyanteng biktima ng sigalot kagaya ng financial at psychological assistance.
Samantala, tiniyak ni De Vera na makakatanggap pa rin ng buwanang sahod ang mga professors at instructors sa Mindanao kahit hindi pa magbukas ang mga paaralang kanilang pinagtuturuan .