TUGUEGARAO CITY – Balik-eskwela na ngayong araw ang mga estudyante sa Itbayat, Batanes matapos yanigin ng magkakasunod na lindol noong nakaraang linggo.
Ayon kay Batanes Schools Division Supt. Edwardo Escortiso, gagamitin munang bilang silid aralan ang buong plaza para sa mga mag-aaral ng tbayat National Agricultural School, Itbayat Central School at Mayan Elementary School na matinding napinsala ng lindol.
Kaugnay nito, inaasahan ang pagdating ngayong araw ng mga tent na dinonate ng Department of Social Welfare and Development para sa mas hiwalay na class shelters.
Parte umano ng tatalakayin sa pagbabalik eskwela ng mga bata ang naranasang problema sa kasagsagan ng sakuna.
Inamin din ni Escortiso na bukas ang pasilidad ng Yawran Barrio School at Raele Integrated School para hiraman ng mga gamit sa klase.