-- Advertisements --

Nagbalik na sa klase ngayong Setyembre ang mga estudyante sa tinaguriang ground zero ng COVID-19 pandemic na siyudad ng Wuhan, China.

Halos 1.4-milyong mga estudyante ang bumalik sa nasa 2,800 na mga kindergarten, primary at middle schools sa buong siyudad.

Ang nasabing development ay kasunod ng pagpapatuloy muli ng klase sa mga high school noong Mayo.

Nitong nakaraang linggo nang ihayag ng mga city officials na may plano na raw ang mga paaralan na ibalik sa online ang pagtuturo sakaling muling magkaroon ng mga outbreak sa lugar.

Inabisuhan din ang mga estudyante na palagiang magsuot ng face mask at umiwas sa mga public bus o tren hangga’t maaari.

Inatasan na rin ang mga schools na magsagawa ng mga drill at training session upang makatulong sa preparasyon para sa mga bagong outbreak.

Sa pinakahuling datos, walang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang China nitong mga nakalipas na araw. (AFP)