-- Advertisements --
VIGAN CITY – Ang agarang pagsasa-ayos sa mga TLS ang hiling ng taga Abra kasunod ng nangyaring M7 na lindol noong July 27.
Sa pag-iikot ng Bombo Radyo Vigan Newsteam sa Abra, halos lahat ng paaralan na nadaanan ay sira-sira at nasa labas nag aaral ang mga bata.
Sinabi ni Chief Curriculum Implementer ng DepEd Division of Abra Hedwig Belmes, nasa 47 paaralan sa probinsya ang naaprobahan ng kanilang pondo para sa pagsasa-ayos ng nasirang schools.
Sa masabing bilang ng paaralan, nasa 138 classrooms ang nasira, 228 partially damage (major) at nagkakahalaga ng P24.8 million.
Materyales na ibibigay ang nasabing kakailanganin ng mga nasirang paaralaan.