Sa unang pagkakataon ay pinulong ng bagong Kalihim ng Department of Education na si Secretary Sonny Angara ang mga executive committee kasabay ng kanyang unang araw ng pag-upo sa pwesto.
Nilalayon ng pagpupulong na ito na pag-usapan at talakayin ang mga polisiya ng ahensya na kinakailangang ng mabilisang aksyon at solusyon.
Ayon sa kalihim, kabilang sa mga tinalakay ay mga ginagawang paghahanda ng DepEd sa nalalapit na pasukan na magsisimula sa July 29 ng kasalukuyang taon.
Kung maaalala, sinabi ni Secretary Angara na mas pagbubutihin nito ang mga programa ng ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ito ay upang mataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa at para matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng matatag na karunungan na magagamit sa hinaharap.