Maituturing daw na problema sa buong mundo ngayon ang mga nag-expire na bakuna kontra Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kaya naman sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvaña na kailangan ng tuloy-tuloy na education at umapela ang mga ito ng sense of community para matugunan ang mababang coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccination at booster shot turnout.
Una rito, sinabi ni Department of Health (DoH) Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na ang mga nasayang sa Covid-19 vaccination program sa bansa ay nasa 44 million doses.
Aniya, kabilang sa mga nasayang na bakuna laban sa nakamamatay na virus ay ang mga nag-expire at na-damage dahil sa sunog, temperature excursions, natural disasters at iba pang mga insidente.
Sinabi naman ng mga health experts na ang problema sa mga nagpaso o nasayang na bakuna ay isyu rin sa buong mundo.
Halimbawa na raw dito ang ibang bivalent vaccines sa US na sobra ang kanilang naimbak.
Aniya, noong pumunta raw ito sa Estados Unidos noong buwan ng Oktubre y tinuturukan na nila ang mga indibidwal kahit na hindi US citizen.
Kung maalala, nasa 78,443,972 o 100.4 percent na ng target population na 78,100,578 ang nabakunahan ng Covid-19 at kabuuang 23,811,248 individuals ang nakatanggap na ng booster shots.
Nasa 1,002,000 doses naman ng bivalent jabs donations mula sa COVAX Facility ang aasahang dadating sa Pilipinas sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan.