-- Advertisements --

Agad na magpapatawag ng emergency meeting ang Philippine Basketball Association (PBA) board matapos na kumpirmahin ng Alaska team na aalis na sila sa liga pagkatapos ang torneyo ngayon.

Ayon sa kay PBA Commissioner Willie Marcial, pag-uusapan nila ng board ang susunod na hakbang kung ano ang gagawin sa kanilang prangkisa at mga players.

Una nang sinabi ng management ng Alaska, na makalipas ang halos 40 taon, posibleng ibenta na lamang nila ang prangkisa o kaya ipakalat nila sa iba pang teams ang mga players.

Labis namang ikinalungkot ng mga PBA fans ang naturang impormasyon, habang mistulang nagluluksa ang mga players.

Itinuturing kasi na iconic team na ang Alaska sa liga na merong 14 na championships kabilang na ang grand slam noong taong 1996 sa ilalim ni coach Tim Cone.

alaska PBA

Mayroon din silang 31 finals appearances sa 35 seasons.

Narito ang ilan pang accomplishments ng team, 6x Governor’s Cup Champion, 3x All-Filipino Cup Champion, 3x Commissioner’s Cup Champion, at bilang 2x Fiesta Cup Champion.

Naging bahagi ng koponan ang mga basketball legends tulad nina Johnny Abarrientos, Jojo Lastimosa, Jeff Cariaso, Bong Alvarez at marami pang iba.