-- Advertisements --

Papayagan na ng South Korea ang mga baseball fans na manood ng live simula sa Linggo.

Sinabi ni Senior Health Ministry official Yoon Tae-ho, na bukod sa baseball ay papayagan din ang mga fans ng soccer games na manood simula Agosto 1.

HIndi naman papayagan ang mga panonood ng mga laro sa professional golf na maaari ng hanggang katapusan ng Agosto.

Ilan sa mga panuntunan na ipapatupad ay ang pagkakaroon lamang ng 10% ang kabuuang bilang ng mga manonood ng mga baseball at football games.

Dadaan din sa screening ang mga fans at ipapatupad naman nila ang social distancing sa mga upuan.

Magugunitang noong Mayo ay sinimulan ng South Korea ang mga laro ng baseball at soccer subalit walang mga audience na nanonood.