Namangha ang maraming fans ng legendary band na U2 dahil sa kakaibang concert venue nila sa Las Vegas.
Sa pagsisimula ng kanilang 25-show residency show sa Vegas ay isinagawa ito sa immersive Sphere na isang high-tech, globe-shaped venue.
Ang nasabing venue ay nagkakahalaga ng $2.3 bilyon na may taas na 366 talampakan at 516 talampakan na lawak.
Maging ang lead singer ng banda na si Bono ay namangha sa kakaibang graphics na ipinalabas sa nasaibng venue.
Ang The Sphere ay naisip ni Doland ang executive chair ng Madison Square Garden at may-ari ng New York Knicks, Rangers.
Iginuhit nito ang nasabing venue sa isang notebook papere.
Napuno ang venue ng mahigit na 18,000 katao na kinabibilangan ng ilang mga personalidad gaya nina Oprah, Matt Damon, basketbolistang si LeBron James, boxer Oscar Dela Hoya, tennis legend Andre Agassi at maraming iba pa.
Sa nasabing concert ay binigyang pugay ng banda si King of Rock Elvis Presley na nagconcert din sa nasabing lugar noong ito ay nabubuhay pa.