-- Advertisements --

Binatikos ng mga fans ni Beyonce ang isang radio station sa US dahil sa hindi pagpapatugtog ng kanta nito.

Ang kanta kasi nito na “Texas Hold ‘Em” ay siyang unang country song ng singer.

Paliwanag ng may-ari ng KYKC-FM station na nagpapatugtog ng mga country music ay hindi nila alam na ito ang kanta ng singer ay isang country song.

Inakusahan pa ng mga fans ng siger ang nasabing radio station na racist at discrimination dahil sa hindi pagpapatugtog ng kanta ng kanilang idolo.

Ang kantang “Texas Hold ‘Em” ay isa sa dalawang country song na ilalabas ng singer na unang ipinakilala nong Super Bowl.