Maraming mga fans ni tennis star Novak Djokovic ang natuwa matapos na ianunsiyo nito ang paglalaro sa Tokyo Olympics.
Ayon sa Serbian tennis star na tiyak na ang kaniyang paglalaro at handa niyang itayo ang bandila ng Serbia.
Itinuturing nito na isang karangalan ang paglaro sa Tokyo kung saan isang malaking motibasyon ang nasabing paglalaro.
Magugunitang nagwagi na ang 34-anyos na si Djokovic sa Australian Open, French Open at Wimbledon ngayong taon.
Target nitong makakuha ng gold medal sa Olympic at US Open para maging unang tao na makuha ang Golden Grand Slam.
Ilan sa mga tennis stars na nakakuha ng golden slam ay sina Andre Agassi, Rafael Nadal at Serena Williams.
Nagwagi na ng bronze medal si Djokovic noong 2008 Olympic sa Beijing k ung saan tinalo siya ni Nadal sa semi-finals ng torneo.
Noong 2012 London Olympic ay naging flag bearer ito sa Serbia subalit natalo sa semi-final ni Andy Murray at ni Juan Martin del Potro sa bronze medal match.