-- Advertisements --
Nagtipon-tipon ang mga fans ng yumaong king of rock and roll Elvis Presley para gunitain ang kaniyang ika-43 death anniversary.
Nagsagawa ng candlelight vigil sa Graceland estate sa Memphis, Tennessee kung saan may dala silang mga bulaklak, larawan ng kanilang idolo at sulat.
Limitado lamang sa 720 katao ang nabigyan ng pagkakataon na makalapit sa puntod ng yumaong singer at nagpatupad ang mga ito ng mahigpit ng health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.
Naglagay rin ng barikada ang mga kapulisan sa lugar para mapigilan ang mga fans na nagpupumilit na makalapit sa lugar.
Maguugnitang taong 1977 ng pumanaw matapos atakihin sa puso si Presley sa edad 42.