Inalala ng mga fans ni NBA star Kobe Bryant at anak nitong si Gianna ang ika-limang taon ng kanilang pagkakasawi.
Magugunitang noong Enero 26, 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan ng mag-ama kasama ang anim na iba habang patungo sa Thousan Oaks para sa basketball practice.
Kinasuhan naman ng asawa nitong si Vanessa Bryant ang mga imbestigador ng kaso dahil sa pagpapakalat ng video at larawan sa crash site ng hindi ipinaalam sa kaniya.
Dahil dito ay nagwagi siya sa kaso mula sa LA County
noong 2023 at binayaran siya ng halos $30-milyon.
Nagtayo ang mga fans ng rebolto ng dalawa doon mismo sa lugar ng pinagbagsakan ng helicopter.
Nakatakdang ilabas ni Vanessa ang bagong libro na inialay sa mag-ama nito at ito ay ilalabas sa darating na Agosto 19.
Sa Kobe ay 41 anyos at si Gigi ay 13 ng mangyari ang aksidente.
Sa loob ng 20-taon na basketball career ay naging 18-time All-Star si Bryant, 15-time All-NBA honoree, 5-time NBA Champion at 2007-2008 NBA Most Valuable Player.