-- Advertisements --

Patuloy ang pagdagsa ng mga fans para sulyapan sa huling pagkakataon ang namayapang beteranang singer na si Pilita Corales.

Ilan sa mga kasamahan nito sa industrya ang dumalaw na gaya ni dating Pangulong Joseph Estrada kasama ang anak nitong sina Senator JV Ejercito at Sen. Jinggoy Estrada.

Namayapa ang 86-anyos na tinaguriang “Asia’s Queen of Songs” nitong Sabado.

Kuwento ng mga anak nito na sina Monching Gutierrez at Jackie Lou Blanco na hindi na ito nagising sa kaniyang pagtulog.

Ipinagpasalamat na lamang nila dahil hindi na ito nadala pa sa pagamutan para hindi dumanas ng paghihirap.

Mananatili naman hanggang sa Miyerkules Abril 16 ang cremated ashes ng singer sa isang Heritag Park , Taguig bago ito iuwi ng kaniyang pamilya.

Sumikat ang singer noong dekada 60 kung saan mahigit 100 albums na ang kaniyang nagawa at nakasama pa ilang mga international singers sa ilan nitong mga kanta.