-- Advertisements --

Kinumpirma ng US Central Command na dumating na ang kanilaing F-22 Raptor figther jets sa Middle East.

Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa maaring pagganti ng Iran laban sa Israel matapos na mapatay doon ang lider ng Hezbollah.

Bilang paghahanda ay maglalagay din ang US ng dagdag na mga sundalo at armas na kinabibilangan ng mga aircraft carriers, destroyers at missiles sa rehiyon para depensahan ang Israel.

Magugunitang nagbanta ang Iran na sila ay gaganti sa Israel dahil sa pagpatay ng lider ng Hezbollah.