-- Advertisements --
image 42

Binisita ng mga opisyal ng bansa ang mga Filipino community sa Israel, upang tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Pinangunahan ni Philippine Vice Consul Teri Adolf Bautista, ang pagtungo sa ibat ibang mga komyunidad kung saan nakabase ang maraming mga Pilipino.

Kinabibilangan ito ng mga Filipino community sa Haifa, Ibtin, at ang distrito ng Krayot, kung saan inalam umano ng mga opisyal ang plano ng mga Pinoy workers.

Isa rin sa mga layunin ng naging pagbisita sa mga Filipino community sa naturang bansa ay upang makabuo ang pamahalaan ng konkretong plano sa kung paano makapagsagawa ng evacuation oras na kakailanganin.

Maliban dito, tinungo rin ng ilang opisyal ng Embahada ng Pilipinas ang kinaroroonan ng mga Pilipinong Agrostudies trainee upang matiyak na maayos ang kalagayan ng mga ito.

Tiniyak din ng Embahada kasama na ang Agrostudies management, na nakabantay lagi ito sa kanilang kalagayan at kapakanan ng bawat trainee.

Matatandaang una na ring naghahanda ang Embahada ng Pilipinas sa Israel ng mga maaaring mapaglikasan sa mga OFW, oras na kakailanganin pa ang mandatoryong paglikas sa kanila.