-- Advertisements --

Pinayuhan ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III ang mga mamamayan na dapat masanay na ang lahat na harapin ang bagong realidad na dulot coronavirus pandemic.

Sinabi nito na dapat magsimula na ang mga tao na magtrabaho kung saan maging ang mga negosyo ay magbubukas na rin sa mga lugar na nasa general community quarantine.

Hindi rin ito sang-ayon na magkaroon ng total lockdown sa buong lugar dahil sa labis na maapektuhan ang negosyo.

Mas maigi aniya na piliin lamang ang mga halimbawa dito ay kapag ang isang kumpanya o barangay na mayroong pagtaas ng kaso ng coronavirus ay iyon lamang ang isara.