-- Advertisements --
Maraming mga Filipino ang takot na madapuan ng COVID-19 at karamihan sa kanila ay takot na maturukan ng COVID-19 vaccines.
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula Pebrero 22 hanggang Marso3 na 94 percent ng mga adult Filipinos ay nababahala na madapuan ng COVID-19 pero 16% lamang sa kanila ang nais na magpabakuna.
Nangangahulugan nito na mayroong 61% dito ang takot na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Nasa survey rin na marami sa kanila ang hindi tiyak kung ligtas nga ba ang nasabing mga bakuna.
Binubuo ng 2,400 na mga Filipino ang sumali sa nasabing survey.