-- Advertisements --

Nasa 700 na mga Filipino mula sa United Kingdom at Ireland ang dinapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the UK Antonio Lagdameo, na mayroong 675 na Filipino sa UK ang dinapuan at 63 naman sa Ireland.

Sa nasabing bilang 525 na ang gumaling at 57 ang namatay na sa UK habang mayroong 57 naman ang gumaling at dalawa ang nasawi sa Ireland.

Sa pagtaya naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroon ng 11,224 na mga Filipino sa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19 kung saan 3,153 dito ang nagpapagaling at 7,254 ang tuluyang gumaling na mayroong 817 ang nasawi.