-- Advertisements --
Aabot na sa 12,929 ang mga Filipino na nasa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) mayroong bagong 37 na kaso ang naidagdag kung saan 3 dito ang gumaling na.
Mayroon namang 23 ang bagong nasawi sa nabanggit na bilang.
Ginagamot pa rin ang 3,605 na bilang dito at 8,390 na ang gumaling na habang mayroong kabuuang 934 ang nasawi.
Sa nasabing bilang ay nangunguna pa rin ang Middle East at Africa na mayroong 2,403 ang bilang, 809 sa Asia Pacific, 331 sa Europe at 62 sa Americans.