-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga Filipino mula sa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) mayroong 38 na bagong kaso ang kanilang naitala.

Dahil dito ay mayroon ng kabuuang 18,697 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.

Sa nabanggit na bilang ay 6,099 dito ang ginagamot, 11,430 ang gumaling habang 1,168 na ang nasawi.

Nagunguna pa rin ang Asia Pacific sa may pinakamaraming bilang ng kaso COVID-19.