-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong pitong kaso ng COVID-19 sa mga Filipino na nasa ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa nasabing bilang ay umaabot na sa kabuuang 20,431 na mga Filipino na nasa ibang bansa ang dinapuan ng COVID-19.

Nanatili naman sa 12,096 ang bilang ng mga gumaling na habang ang mga nasawi ay nananatili sa 1,220.

Aabot naman sa 7,115 ang mga kasalukuyang nagpapagaling mula sa nasabing sakit.

Nanguna ang Middle East/ Africa sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na mayroong 11,532.