-- Advertisements --

Mayroong karagdagang 53 na mga Filipino na nasa ibang bansa ang dinapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) mayroon ng kabuuang 18,218 ang mga kaso ng mga Filipino na nasa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.

Nadagdagan naman ng 19 ang gumaling at isa ang na nasawi.

Sa nasabing bilang ay mayroong 11,181 na ang gumaling; 5,915 ang kasalukuyang nagpapagaling habang mayroong 1,122 na ang nasawi.

Nangunguna pa rin ang Middle East/ Africa sa mga rehiyon ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga bansang kinaroroonan ng mga Filipino.