-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinagdodoble ingat ngayon ang mga Filipino sa Estadus Unidos matapos ang nangyaring mass shooting sa Lewiston sa estado ng Maine.

Ayon kay Marlon Pecson an Bombo International News Correspondent sa Chicago, Illinois, karamihan sa mga Pilipino ay hindi na muna gaanong lumalabas sa kanilang mga tahanan at pinagtatrabahohan lalo na sa mga lugar na malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa rin nahuhuli ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril na kinilalang si Robert Card, 40 anyos, na isang military reservist.

Nakatutok rin an kapulisan sa Estadus Unidos sa manhunt operaton upang agarang mahuli ang suspek na isang banta sa kaligtasan ng publiko lalo pa at may bitbit itong armas.

Nauna na rin na kinumpirma ng mga otoridad na mayroong mental health problems si Card na dati ng ipinasok sa mental health facility.

Samantala, inaalam pa sa ngayon ng konsulada ng Pilipinas kung may Pilipinong nadamay sa mass shooting.