-- Advertisements --
Pumalo na sa kabuuang 9,275 na mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng coronavirus.
Ayon sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA), nangunguna pa rin ang Middle East/ Africa sa rehiyon na mayroong naitalang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mga Filipino.
Sa nasabing bilang ay mayroong 3,872 naman ang gumaling na at 381 ang naitalang nasawi.
Patuloy ang ginagawa pa ring pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga bansang kinaroroonan ng mga Filipino na nadadapuan ng coronavirus.