ILOILO CITY- Wala parin planong umuwi ang mga Filipino sa Russia sa kabila ng banta ng civil war matapos ang planong pagsalakay ng mercenary group na Wagner sa capital city na Moscow.
Ayon kay Bombo Genevive Dignadice direkta sa Moscow, dahil wala namang tensyon sa capital city, mas pinili ng mga Filipino na manatili sa lugar.
May ina-alok namang repatriation ang Department of Migrant Workers ngunit karamihan parin sa mga Filipino ang nanatili sa nasabing lungsod dahil na rin sa kakulangan ng opurtunidad dito sa Pilipinas.
Una nang nag-abiso ang Philippine Embassy sa Moscow sa mga Filipino sa Russia na maging mapamatyag at mag-ingat.
Sa advisory na inilabas sa kanilang Facebook page, nagpaalala ang embahada na iwasan ang pagpunta sa mga mataong lugar, sumali sa mga protesta, at magpahayag ng political opinion sa social media.
Ina-abisuhan rin ang mga ito na kung maaari, iwasan ang pagbyahe sa ibang mga rehiyon.
Napag-alaman na ang majority ng 10, 000 Filipinos sa Russia ay naka-base sa Moscow.