DAVAO CITY – Nagpahayag ng pag-aalala ang isang opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) dahil posible umanong mahaharap sa malaking problema ang mga Filipino seafarers sa pagkakataong hindi kilalanin ng European standards ang credentials ng mga Pilipinong marino.
Ayon kay Dr. Liza Orongan, Regional Director ng MARINA XI, na nahaharap ngayon sa problema ang nasa 50,000 na mga seafarers dahil umano sa bagsak na rating na ibinigay ng European Maritime Safety Adminitration (EMSA).
Nilinaw ni Orongan na pasado ang mga Pilipinong marino sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) dito sa bansa.
Ngunit base sa nahimong final audit ng EMSA, bigo ang Pilipinas sa pag-abot sa ibinigay nilang pamantayan.
Dahil dito, sinabi ni Orongan, delikado ang magiging sitwasyon ng mga Pilipinong marino dahil nasa desisyon ng European Commission kung ikukunsidera ba nila ang natanggap ng STCW certificates dito sa Pilipinas.
Nagsumite na rin ng corrective measures ang MARINA sa EMSA at kasalukuyan pang hinihintay ang order mula sa nasabing international accrediting agency.
sa kabilang banda, nangako naman ang MARINA na tutulongan nila ang mga tripulate na makapaglayag sa mga karagatan sa gitna ng kwestyonableng rating sa kanila ng EMSA.