Agad na pumila ang mga may-ari ng fitness gym na nasa General Community Quarantine sa iba’t-ibang local government unit para kumuha ng mga kaukulang dokumento sa muli nilang pagbubukas.
Ito ay matapos payagan ng Department of Trade and Industry ang muli nilang pagbubukas.
Marami sa mga fitness gym owners naman ang tila nanibago sa nasabing patakaran dahil kinailangan nila ng maraming adjustment na gagawin para masunod ang panuntunan na inilatag ng DTI.
Ilan sa mga dito ay pagkakaroon ng limitadong bilang ng tao na malalaro lamang sa loob ng fitness gym.
Tiniyak din ng karamihan sa kanila na kanilang susundin ang mga panuntunan ng DTI.
Magugunitang kabilang ang fitness gyms na pinayagan ng DTI na magbukas na nasa GCQ area para pakonti-konting makabangon ang ekonomiya.