-- Advertisements --
Napilitang i-divert ang mga eroplanong lumilipad sa pagitan ng Australia at New Zealand dahil sa ginagawang military exercise ng China sa kalapit ng karagatan.
Ayon sa Australian airline Qantas na minabuti nilang mag-divert ng flight dahil sa pangamba ng live fire drill mula sa Chinese Naval ships na nasa Tasman Sea.
Tinawag ng Australia na kakaiba ang nasabing ginagawang military exercise na ito ng China.
Depensa naman ng China na isinasagawa nila ang military exercise sa international waters na ito ay umaayon sa international law.
Mahigpit naman na binabantayan ng New Zealand at Australia ang isinasagawang military exercise na ito ng China.