Bahagyang naabala ang mga flights sa international airport sa Dubai dahil sa umano’y drone activity.
Ayon sa mga opisyal, dalawang arriving flights ang kinakailangang i-divert, habang batay naman sa ulat ay may mga eroplanong lumapag sa mas maliit na airport sa Sharjah emirate.
“Dubai Airports can confirm that flight arrivals were briefly disrupted at Dubai International from 12:36 to 12:51 UAE local time this afternoon [0836 to 0851 GMT, 4:36 p.m. to 4:51 p.m., PHL time] due to suspected drone activity,” saad ng isang irport spokesperson.
Nabatid na ilang beses nang nagulo ang flights sa mga airport sa nakalipas na mga taon dahil sa recreational drones, kung saan huling nangyari ito nito lamang Pebrero.
Gayunman, maaalalang ginamit ang mga military drones upang atakihin ang pangunahing oil facilities sa Saudi Arabia.
Nitong nakaraang linggo nang magbanta ang Houthi rebels na gagamit daw sila ng military drones upang puntiryahin ang United Arab Emirates. (AFP)