-- Advertisements --

Pinabulaanan ng World Health Organization (WHO) na nakukuha ang coronavirus sa mga food packaging.

Hinikayat pa ng WHO ang mga tao na huwag matakot dahil hindi pumapasok ang virus sa mga food chain.

Ayon kay Mike Ryan, head ng WHO emergencies program, na hindi dapat katakutan ang pagkain, mga food packaging at food deliveries dahil hindi kumakapit doon ang virus.

Wala aniyang ebidensiya na ang mga food chain ay doon nagkakaroon ng mga transmission ng mga virus.