ILOILO CITY – Inaasahan ang pagdalo ng maraming mga foreign dignitaries sa Iloilo Dinagyang Festival 2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ms. Joyce Clavesillas, executive director ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na sa ngayon, siyam na mga diplomats ang nagkumpirma na dadalo sa binansagang best tourism event.
Ayon kay Clavesillas, kabilang sa mga dignitaries ay mula sa Panama, Indonesia, Bangladesh, Thailand, Nigeria, Norway, Romania, Hungary, at Sri Lanka.
Inaasahan naman na malaki ang maitutulong sa pagpapalago sa ekonomiya ang pagpunta ng mga ambassadors sa Iloilo City.
Napag-alaman an ang Dinagyang ay nanalo ng back-to-back best tourism festival awards para sa taong 2020-2021 mula sa Association of Tourism Officers of the Philippines.