-- Advertisements --

Hinikayat ng Bureau of Immigration ang mga rehistradong dayuhan na gamitin ang virtual Annual Report.

Ang virtual na Annual Report site ay nagpapahintulot sa mga dayuhan na mag-book ng mga appointment, magbayad, at magsumite ng mga ulat.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ito ay bahagi ng pagsisikap ng kawanihan na imodernized ang mga proseso sa BI.

Samantala, available pa rin ang physical reporting options sa dalawang malls sa Metro Manila at BI offices sa buong bansa.

Ang mga indibidwal na may hawak na Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card) ay inatasan na magtungo sa immigration bureau sa loob ng unang 60 araw para sa taunang ulat, maliban sa mga indibidwal na wala pang 14 taong gulang o 60 pataas.

Gayundin ang mga taong walang kakayahan, mga buntis na kababaihan, at mga dayuhan na may mga physical condition.

Dapat ipakita ng mga dayuhan ang kanilang na-fill upan na registration form, ang orihinal na valid ACR I-Card na may valid visa, at valid passport.