Ipinag-utos ni Philippine National Police chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagsama sa mga kotse at iba pang uri ng sasakyan sa mga isinasagawang police checkpoint.
Katwiran ng PNP chief, hindi lamang sumasakay o gumagamit ng mga motorsiklo ang mga kriminal.
Bagaman dating mayroon aniyang stigma ukol sa mga riding-in-tandem, maaari din aniyang gamitin ng mga kriminal ang kanilang mga sasakyan sa mag criminal activities.
Maalalang ilang mga kaso o insidente ng pamamaslang at pagnanakaw ang naitatala ng pulisya na kagagawan ng mga riding-in-tandem criminals.
Isa ito sa mga pangunahing dahilan ng tuluyang pag-pokus ng pulisya sa mga nakasakay ng motorsiklo sa mga isinasagawang checkpoint sa mga lansangan.
Sa kabila nito, pinapatiyak naman ng PNP chief na hindi magiging pahirap o inconvenience ang naturang kautusan sa mga komyuter at magdulot ng mga mabigat na trapiko.
Pinayuhan din ng heneral ang mga pulis na maging marespeto sa lahat kasabay ng isinasagawang inspeksyon sa kanilang mga inilalatag na checkpoint.