-- Advertisements --
Maraming mga French Catholics ang nalungkot dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng mahigit 200 taon ay hindi sila nakapagsimba sa Notre-Dame Cathedral sa Paris.
Ang nasabing simbahan kasi ay tinupok ng apoy noong Abril.
Nagsimba na lamang ang mananampalataya sa kalapit na simbahan sa Saint-Germain L’Auxerrios ilang daang metro ang layo.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pagsasaayos sa nasabing simbahan.
Tiniyak naman ni French President Emmanuel Macron na maibabalik muli ang simbahan pagkatapos ng limang taon.