-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binigyan ng insentibo ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr ang mga Frontliners ng lungsod na nagkakahalaga ng P1500 bawat isa sa kanila.

Ayon kay Mayor Guzman Jr na hindi matawaran ang serbisyo ng mga Frontliners kung saan itinaya ang kanilang buhay kontra Coronavirus Disease (Covid 19) pandemic.

Bibigyan rin ng insentibo ang mga myembro ng Barangay Peacekeeping and Action Team (BPATs) mga day-care employees and mga volunteer teacher kabilang na ang mga Barangay Health Workers (BHWs).

Una nang namahagi ng bigas ang alkalde sa mga Frontliners at mga Personal Protective Equipment (PPEs).

Samantala, nakatutok ngayon ang LGU-Kabacan sa mga umuwi sa bayan na stranded sa ibang lugar sa bansa alinsunod sa Balik Probinsya Program ng pamahalaan.

Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 free ang bayan ng Kabacan at pinaigting pa nito ang kampanya kontra sa nakakahawang sakit.