-- Advertisements --
medical city pasig covid
(Twitter photo Steven Mari/The Medical City)

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga bayani ang mga doktor na nangangasiwa sa mga biktima ng coronavirus disease.

Labis ang kalungkutan din nito nang mabalitaan na may mga doktor na ang nasawi matapos na dapuan ng virus.

Sa ngayon nasa apat na doktor na ang casualties sa bansa habang hinaharan ang coronavirus pandemic

Sa inilabas din na video message ng Pangulo pinasalamatan niya ang kongreso dahil sa pagpasa ng Bayanihan to Heal As One Act para mabigyan ito ng karagdagang kapangyarihan sa paglaban sa coronavirus.

Gayundin nakapaloob sa batas ang paglalaan ng pondo sa mga mahihirap na mamamayan lalo na ang nawalan ng trabaho.

Patuloy din ang pagtitiyak ng Pangulo na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para tuluyang masawata ang virus.