-- Advertisements --
Hindi na sasailalim sa isolation ang mga fully vaccinated na mamayan mula sa US at Europe kapag sila ay bibisita sa mga bansang England, Scotland at Wales.
Magsisimula ang nasabing pagbabago sa darating na Agosto 2.
Ayon sa United Kingdom government na ang nasabing pagbabago ay para makasama ng ibang mamamayan ang kanilang kamag-anak na naninirahan sa ibang bansa.
Paglilnaw naman ni UK Transport Secretary Grant Shapps na tanging mga bakuna na aprubado sa European Union at US ang kanilang papayagang hindi mag-isolate.
Kailangan pa rin ng mga biyahero ng kanilang PCR test bago ang kanilang pagbiyaheat ang PCR test sa ikalawang araw kapag sila ay dumating na sa bans.
Magugunitang tumaas ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa maraming bansa.