-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bilang isang fur-parent, alam ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman ang karapatan ng bawat alagang aso’t pusa.

Aniya, malapit sa kanyang puso ang mga aso lalo’t noong kabataan nito’y may mga alaga silang aso hanggang na siya’y nagdalaga, nag-asawa, at ngayon ay may sariling anak na, ay hindi nito parin iniiwan ang pagiging isang fur-parent.

Sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, hinikayat nito ang mga katulad niyang fur-parent na bigyan ng atensyon ang kanilang mga alaga.

Mayroong libreng rabies vaccine sa Municipal Agriculture Office na kung saan pupuwedeng makahingi ang mga fur-parents.

Dagdag pa nito, maliban sa pagbibigay ng rabies shot, tiniyak ng alkalde na sa isasagawang GELYNsyado Caravan ay mayroong nakalaan na mga animal services na ipapamahagi.

Samantala, humingi rin ng partisipasyon ang alkalde sa mga nag-aalaga ng aso’t pusa, na kung maaari ay itali o ikulong at huwag hayaang pagala-gala sa daan na maaaring magdulot ng hambalang sa trapiko o aksidente.