Dumating na ang mga laptops, tablets, pocket wifi at sim cards na ipapamigay ng city government ng Maynila sa mga guro at mag-aaral ng lungsod.
Sinabi Mayor Franciso Isko Moreno, na ang nasabing mga gadgets ay makakatulong sa mga guro at estudyante para sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5 sa kanilang blended distant learning.
Layon ng lungsod na matuloy at hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Mayroong 10GB na data allocation kada buwan ang laman ng wifi para sa mga estudyante na siyang malakig ginhawa para sa mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak.
Magugunitang naglaan ng P1 billion na pondo ang lungsod ng Maynila para sa pagbili ng mga gadgets kung saan target nilang makabili ng 11,000 na laptops na mayroong pocket wifi para sa mga guro, 136,950 na table devices at 286,000 sim cards na mayroong 10GB monthly allowance para sa mga estudyante.