-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa 27 galang aso ang hinuli ng Office of the Provincial Veterinary Office o OPVet mula sa tatlong barangay ng Kabacan.

Ayon sa Municipal Agriculture’s Office, mismong ang barangay ng Osias ang nagpadala ng kanilang pagnanais na magsagawa ng panghuhuli ang OPVet batay narin sa dami ng mga galang aso o ‘stray dogs’ sa kanilang nasasakupan.

Dahil rito, idinagdag ng OPVet ang barangay ng Poblacion at Katidtuan na kanilang pinasyalan upang makuha ang mga galang aso.

Ayon sa MAO, siyam mula sa 27 nahuli ang tinubos ng mga may-ari habang labing walo ang isinailalim sa euthanasia o mercy killing.

Pagpapaliwanag ng tanggapan, isinasagawa ang nasabing aktibidad upang maiwasan ang pagkalat ng galang aso na maaaring may dalang rabbies.

Muli namang nagpa-alala si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr na kailangang maging responsableng pet owner ang bawat Kabakeño. Aniya, mainam na itali o kaya’y bigyan ng kulungan ang mga alagang aso o kahit anong hayop pa man upang hindi makaperwisyo sa ibang tao.

Ikinalungkot din nito ang pagsasagawa ng euthanasia sa mga hindi tinubos na aso. Nawa umanoy magsilbing aral ito sa mga may-ari ng aso.