-- Advertisements --

Ibinebenta na ng US Marshals sa auction ang mga gamit mula sa Fyre Festival.

Kasunod ito ng pagkakakulong ng 2017 organizer na si Billy McFarland dahil sa panloloko.

Ang nasabing Fyre Festival ay dinaluhan ng mga celebrities at influencers sa Bahamas.

Naging kontrobersiyal ito noong 2017 ng ilang libong mga partygoers ang naiwang stranded na walang pagkain, tubig at tamang accomodation kaya sila nagsampa ng kaso.

Sinabi ni US Marshal Ralp Sozio, ang mga branded clothings at ibang mga gamit na ibebenta sana sa event ay itinago ni McFarland at ito ay ibebenta niya para magamit sa kaso nito.

Nasa mahigit 100 na gamit gaya ng mga branded jumpers, trackpants, wristbands at tokens ang ibebenta sa auction ng hanggang Agosto 13.

Ang Fyre Festival ay inindorso noon nina Kendall Jenner, Bella Hadid at Hailey Baldwin kung saan aabot sa $100,000 ang tickets.

Subalit ikinadismaya ng mga party-goers na imbes na magarbo ang kanilang tutuluyan ay doon sila tumira sa emergency tents na tinawag na ‘complete disaster’.