-- Advertisements --
Nabigyan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang anim na brand ng anti-COVID-19.
Sinabi FDA director general Dr. Oscar Gutierrez na kinabibilangan ito ng Molnarz mula sa Faberco, Molnaflu ng Medethix, Auxilto ng German Quality Pharma, Molxvir ng Sun Pharma, Molnatris ng Mykan, Molnupiravir Generic ng Lloyd Laboratories/ Dr. Zen Research.
Dagdag pa nito na nabigyan ng EUA ang local drug company na Lloyd Laboratories noong Enero 28 para sa 200mg at 400mg ng molnupiravir capsule.
Nag-apply na rin ang Pfizer ng EUA para sa kanilang anti-viral therapy pill kung saan kasalukuyan nila itong pinag-aaralan.