Lumabas sa bagong pag-aaral na kalahati ng mga glacier sa mundo lalo na ang mga mas maliit, ay nakatakdang mawala sa pagtatapos ng siglo o century dahil sa pagbabago ng klima o climate change.
Ngunit, ang paglilimita sa global warming ay maaaring magligtas sa ibang glacier.
Ang nasabing pag-aaral ay inilathala sa ” journal Science ” kung saan nagbigay pa ito ng pinakakomprehensibong pagtingin sa hinaharap ng 215,000 glacier sa mundo.
Binigyang-diin ng mga may-akda ang kahalagahan ng paghihigpit sa mga greenhouse gas emissions upang limitahan ang mga kahihinatnan ng pagtunaw ng glacier tulad ng pagtaas ng lebel ng dagat at pagkaubos ng mga water resources.
Ang pagkawala ng mga glacier ay magkakaroon din ng epekto sa mga water resources dahil nagbibigay sila ng freshwater para sa mga dalawang bilyong tao.
Ang mga study’s projections, na mas pessimistic kaysa sa mga UN climate experts, ay naabot sa pamamagitan ng mga obserbasyon sa masa ng bawat glacier sa pamamagitan ng mga dekada at mga computer simulations.