KALIBO, Aklan – Nagkasundo ang mga gobernador ng Western Visayas na magtutulungan sa muling pagbangon ng ekonomiya na lubusang naapektuhan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, balak nilang sabay na buksan ang mga paliparan sa rehiyon.
Ang turismo aniya ang nangungunang pinagkukunan ng income ng rehiyon at hindi makagalaw ang ekonomiya kung patuloy na nakasara ang borders para sa mga turista.
Samantala, sisimulan umano ng binuong inspection team ng Boracay Inter Agency Task Force (BIATF) ang pag-inspeksyon sa mga accomodation establishments sa isla na nagsumite ng letter of intent na magbukas ng operasyon.
Tatlong establisyimento pa lamang ang nabigyan ng Certificate of Authority to Operate, ngunit inaasahang bago matapos ang buwan ng Hunyo ay marami na ang mabigyan nito.