-- Advertisements --

Inatasan ng Malacañang ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na nasa general community quarantine (GCQ) na bawasan ng hanggang 30 to 50 percent ang kanilang operational capacity.

Ito mismo ang laman ng inilabas na Memorandum Circular 85 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea na magiging epektibo mula Marso 22 hanggang Abril 4.

ES medialdea

Ang nasabing hakbang ay ipapatupad bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Hindi kasama rito sa mga ahensiya ang mga nagbibigay ng health and emergency frontline service, border control at ilang mga nasa critical services.

Tiniyak din nila na hindi maapektuhan ang serbisyo ng gobyerno at mga ahensiya kahit na binawasan ang bilang ng mga tao.