-- Advertisements --
Bong Go and Duterte
Duterte and Bong Go

Makakatanggap ng arawang hazard pay ang mga regular, contractual at casual na empleyado ng gobyerno na magre-report sa kanilang trabaho ngayong ipinapatupad na enhanced community quarantine.

Sinabi ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrative Order na nag-aatas sa Department of Budget and Management (DBM) na mabigyan ng P500 kada araw ang mga government workers bilang hazard pay.

Ilalabas ang nasabing kautusan ngayong araw, Marso 23.

Nakasaad sa AO na kabilang ang state universities and colleges (SUCs) ganon din ang mga government-owned and controlled (GOCCs) na mabibigyan ng hazard pay na hindi lalagpas ng P500 kada araw.