ILOILO CITY – Kakalampagin ng Senado ang mga ahensya ng gobyerno upang mapabilis ang paghahanap sa mga na missing na pinoy sakay ng lumubog na livestock ship sa Japan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Sen. Risa Hontiveros, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagmamakaawa ng pamilya ng isang seaman sa Department of Foreign Affairs (DFA) na huwag silang pabayaan matapos nagdeklara ang Japanese Coast Guard na itigil na ang search and rescue operations at magsagawa na lang ng regular sea patrol.
Ayon kay Hontiveros, sinusulong rin nila sa senado ang pagpapalawig ng Magna Carta for Seafarers o ang Marino Bill upang ma protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga seaman lalo na at lantad sa panganib ang ganitong uri ng hanapbuhay.
Nararapat din ayon sa senador na kung may kagayang insidente, patuloy ang pakikipag-ugyana ng revelant agencies kagaya ng DFA, Overseas Workers Welfare Administration, Philippine Overseas Employment Administration at pagtutok rin recruitment at manning agency.